DepEd, posibleng magkaroon ng 3-week National Learning Camp

DepEd, posibleng magkaroon ng 3-week National Learning Camp

POSIBLENG magkakaroon ng tatlong linggong National Learning Camp sa Hulyo ang Department of Education (DepEd).

Ito’y kung magpapatuloy na suspendido ang face-to-face classes dahil sa matinding init ng panahon.

Lubos na hinihikayat na sumali sa National Learning Camp ang mga estudyante na nahihirapan sa kanilang pag-aaral.

Tugon na rin ito ng DepEd sa pag-aaral ng Philippine Assessment for Learning Loss Solutions na nakararanas ang mga elementary at high school students sa Pilipinas ng matinding learning loss noong COVID-19 pandemic dahil sa online learning system.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble