Foreign minister ng Thailand, nagbitiw matapos ang reshuffle sa gabinete

Foreign minister ng Thailand, nagbitiw matapos ang reshuffle sa gabinete

INIHAYAG ni Parnpree Bahiddha-Nukara, dating foreign minister ng Thailand na nagbitiw sya sa posisyon dahil hindi na niya magagawa ang kanyang trabaho kasunod ng pagkakatanggal niya sa posisyon bilang Deputy Prime Minister.

Ayon kay Parnpree, normal lamang sa isang foreign minister na maging Deputy Prime Minister para maging madali ang trabaho ng foreign affairs.

Aniya, hindi normal na siya ay mananatiling foreign minister pero hindi na siya ang Deputy Prime Minister.

Matatandaan na ang animnaput pitong taong gulang na diplomatiko ay isa sa naging susi sa pagpapakawala ng Thai hostages sa Gaza at isa sa nagsusulong sa pagresolba ng gulo sa Myanmar.

Kinumpirma naman ni Thai Prime Minister Srettha Thavisin ang ulat at sinabing iginagalang nito ang desisyon ng foreign minister.

Samantala, lumilitaw naman na ang retired diplomat na nagsilbi rin bilang dating Ambassador ng Thailand sa Australia at Canada ang isa sa nangungunang kandidato upang maging foreign minister ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter