ISINAMA nila Ellen Adarna at Derek Ramsay ang anak ng aktres kay John Lloyd Cruz na si Elias sa Paris.
Makikita sa Instagram pages ng mag-asawa ang tatlo na kasalukuyang nag-eenjoy at nagbabakasyon sa City of Love.
Caption ni Adarna sa kanyang Instagram photo, “point of entry #France, kung saan makikita ang Eifel Tower na mukhang simula ng panibagong European tour ng pamilya.
Hindi pa naman ibinahagi ng dalawa kung ano pa ang ibang lugar o bansa ang kanilang susunod na bibisitahin sa kanilang bakasyon.
Matatandaan na ikinasal sila Ramsey at Adarna sa isang luxurious mountain resort sa Bataan noong November 11 ng nakaraang taon ilang buwan lamang matapos nilang kumpirmahin ang kanilang dating status.
Sa magka-ibang interview, sinabi naman ni John Lloyd na nagpapasalamat ito dahil sa may ibang father figure si Elias kay Ramsay. paris