HINANGAAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang desisyon ng Marcos admin na hindi na umanib sa International Criminal Court (ICC).
“The Philippines has no intention of rejoining the ICC.”
Ito ang naging malinaw na paninindigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa usapin kung muling aanib sa ICC ang bansa.
Punto ni Pastor Apollo, gumagana naman ang justice system at maging ang iba pang sangay ng gobyerno sa bansa.
“Bakit pa kailangan ng ICC? Hindi naman tayo Banana Republic. Napakaganda ng ating sistema dito. Working ang judiciary natin, ang legislative natin, ang ating executive. We are not a failed state,” pahayag ni Pastor Apollo.
“Napakaganda ng sinabi ng ating Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na wala ng balak ang Philippine government na umanib muli sa International Criminal Court,” dagdag ng butihing Pastor.
Matatandaan na ang ICC ay nagbigay ng deadline ng hanggang Setyembre 8 sa gobyerno para sa magiging pahayag nito kaugnay sa pagbubukas ng probe hinggil sa war on drugs.
Pagdating sa imbestigasyon patungkol sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay dapat sa Pilipinas ito imbestigahan ayon sa butihing Pastor.
“Nagsalita naman ang ating dating Pangulong Duterte, okay ako, haharapin ko ang lahat ng kasong ihahain, idedemanda sa akin, basta’t dito sa Pilipinas gaganapin. Dito nangyari man kaya ang mga krimen na ‘yan. So, dito dapat harapin,” ani Pastor Apollo.
“Bakit pupunta ka doon? Tapos mga puti ‘yung haharapin mo doon. Mali ‘yun. And we are not a Banana Republic. We have a working judiciary. Walang kampi-kampi ‘yan. Eh ‘di ihain mo. Evidence per evidence,” dagdag ng butihing Pastor.
Naninindigan naman si DOJ Secretary Boying Remulla na hindi kailangan ng bansa na umanib pa sa ICC.
Matatandaan na isa si Remulla sa mga kasama ni Pangulong Marcos sa isang meeting kamakailan para pag-usapan ang hirit na ICC probe.
Hirit ni Remulla, kaya na ng DOJ at iba pang tanggapan na dinggin ang lahat ng mga domestic cases.
Wala rin daw deprivation sa bahagi ng mga Pilipino sa pag-ayaw natin sa tulong na maaring ibigay ng ICC para sa naturang imbestigasyon.
Pagdating aniya sa ilang kasong isinampa laban sa mga indibidwal dahil sa extra judicial killings ay napanagot naman ito ng korte.