Detalye ng pagkuha ng unpaid salaries ng mga Pinoy sa Saudi, inilabas ng DMW

Detalye ng pagkuha ng unpaid salaries ng mga Pinoy sa Saudi, inilabas ng DMW

INILABAS na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang detalye ng pagkuha sa unpaid salaries ng overseas Filipino workers (OFW) mula sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Inihayag ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople na patuloy ang kanilang koordinasyon at arrangements sa Saudi government kaugnay sa mga unpaid salaries ng ilang 10,000 OFWs sa naturang bansa.

Walang linggo aniya na hindi nila pina-follow up ang KSA government hinggil sa naturang sahod ng mga OFW.

Matatandaan na nangako ang Saudi Arabia na maglalaan ng 2 bilyong riyals para sa unpaid salaries ng mga overseas Filipinos na employed ng mga construction companies na nagdeklara ng bankruptcy.

Ipinaliwanag din ni Ople kung bakit hindi pa siya nakakaalis ng bansa para magpunta ng Saudi, nakadepende umano ito sa tamang petsa na ibibigay ng gobyerno ng Saudi.

Gayunpaman sa kabila nito ay naglabas na ng detalye ang Saudi government kung papaano makukuha ang mga benefits at suweldo ng mga OFW.

May tips din na ibinigay para sa mga kamag-anak ng claimant.

January 19, 2023 ang deadline ng registration pero humingi ng extension ang DMW sa Saudi government para sa mga OFW o mga kamag-anak ng claimant.

Wala pang nababanggit ang DMW kung hanggang kailan ang extension.

Follow SMNI NEWS in Twitter