PINABULAANAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na zero acquittal ang mga kaso ng OFWs sa abroad.
Kasunod ito sa natalakay sa Senado kamakailan na wala umanong naabsweltong kaso ng OFWs abroad ilang taon na ang nakalipas.
Katunayan pa nga dito ayon kay DFA Usec. Eduardo Jose de Vega ay may napauwi na ng bansa at napalaya na mga OFW.
Marami rin aniya rito ay naayos nila ang reklamo kaya hindi na itinutuloy ang kaso.
Sinabi pa ni De Vega na may isinusumite silang semi-annual report sa Kongreso at saklaw nito ang kanilang ulat mula January hanggang June 2022.
Pinaliwanag din nito na posibleng ang sinasabing walang naabswelto na kaso ay ang kinakaharap nila sa kasalukuyan. zero acquittal