DFA Sec. Locsin, bibisitahin ang mga Pinoy sa border ng Ukraine

DFA Sec. Locsin, bibisitahin ang mga Pinoy sa border ng Ukraine

PERSONAL na tutungo sa Ukraine si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Locsin, nais niyang pangunahan ang pagsisikap ng gobyerno para mailipat ang mga Pinoy sa ibang lugar sa Ukraine o ‘di kaya ay ilipat sa ibang bansa.

Aniya, kasama niyang pupunta roon sa Ukraine si Asec. Jet Ledda.

Nagpapasalamat naman si Locsin sa Embahada ng Pilipinas sa Warsaw, Poland sa pagtulong sa mga Pilipino sa Ukraine.

Dagdag pa ni Locsin, pinayagan ng bansang Poland na pumasok ang mga Pilipino doon nang walang visa.

Follow SMNI News on Twitter