SISIKAPIN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maiuwi na ang mas maraming distressed Filipino sa Myanmar, na ang ilan sa kanila ay napilitang magtrabaho sa online scamming operations.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na karamihan sa mga biktima ay pumasok bilang mga turista at pinangakuan ng trabaho sa Thailand ngunit kalaunan ay dinala sa hangganan ng Myawaddy.
Ani De Vega sa kasalukuyan, may 50 Filipino nationals na tinatayang nagtratrabaho sa illegal scamming sa Myanmar, humigit-kumulang isang dosena sa kanila ang humiling ng repatriation.
Sa katapusan ng buwan, maglalakbay si De Vega sa Myanmar upang makipagpulong sa mga lokal na awtoridad upang talakayin ang mga pagsisikap na maiuwi ang mga nababagabag na mamamayan.
Samantala, patuloy naman ang koordinasyon sa pagitan ng Philippine Embassy sa Yangon at sa mga awtoridad ng Myanmar.