SOMA ni Mayor Carlo Villamor, isinabay ang Gantimpala Awards sa Carmen, Cebu

SOMA ni Mayor Carlo Villamor, isinabay ang Gantimpala Awards sa Carmen, Cebu

SA isinagawang State of the Municipal Address (SOMA) ni Mayor Carlo Villamor ng Carmen Cebu, kinilala nito ang mga magigiting na mga Carmenanon sa pamamagitan ng Gantimpala Awards kasabay sa pagdiriwang ng kanilang 172nd Founding Anniversary.

Buong siglang ibinalita ni Mayor Villamor ang mga malalaking accomplishment nito sa munisipalidad mula taong 2019 at kung paano nalampasan ang hamon sa kanilang lugar noong pandemya.

Dinaluhan ng mga taga-Carmen ang masayang selebrasyon ng pagkakatatag ng kanilang munisipalidad at sinaksihan ang mga naglalakihang proyekto ni Mayor Villamor na nagdulot sa kanila ng kaginhawaan.

 “It is my honor and privilege to stand before you where we come together to review the progress we have made as a municipality, celebrate our success and address the challenges we face. I’m delighted to have this opportunity to share our accomplishments, goals and vision for the future,” ayon kay Carlo Villamor, Municipal Mayor.

Ilan sa ibinida ni Mayor Villamor ang ginawang seguridad sa suplay ng pagkain, sapat na patubig, infrastructure projects, peace and order at edukasyon para sa mga taga-Carmen.

“Congratulations to the Municipality of Carmen to their 172nd Founding Anniversary!, I have mentioned earlier that pag Carmen, hindi kami makatanggi ni Gov. Gwen, ni Cong. Duke. Pag Carmen humiling, hindi kami makatanggi. We see, iba talaga kasi ang Carmen, their hearts are pure, their intentions are pure and they are always grateful,” ayon kay Red Duterte, Provincial Board Member 5th District.

Para sa mga taga-Carmen, nagmarka ang liderato ni Mayor Villamor dahil sa matatag na probisyon nito sa basic services sa kanilang mga mamamayan.

“Manalig lang tayo, be hopeful. Our leaders, your leaders are working so hard to make sure that we give you the best service na makakapagbigay kami ng maayos na kinabukasan para sa mga Carmenanon, maraming salamat,” ayon kay Mike Villamor, Provincial Board Member 5th District.

Kasabay ng pagdiriwang ang pagkilala sa mga kababaihang Carmenanon na naging inspirasyon sa karamihan dahil sa kanilang determinasyon sa kani-kanilang trabaho.

“Salamat kay Mayor Carlo Villamor at kay Vice Mayor Martin Gerald Villamor bilang isang empleyado sa munisipyo sa Carmen for 42 years. Thank you also sa suporta sa aming department na ipinagkaloob ni Mayor Carlo at GTV,” ayon kay Chita Manguilimutan, Municipal Midwife II, Awardee.

Sa pamamagitan ng Gantimpala Awards & Recognition, mas maraming kababaihan ang napapahalagahan ang kanilang kontribusyon sa napili nilang larangan.

“We are very thankful for the support that the Carmen has given to the PNP. Of course, with their support we are able to maintain the peace and order here in Carmen.There is no problem with the peace and order here in Carmen considering that the very manageable ‘yung situation dito sa Carmen, very cooperative ng mga citizen dito sa community natin,” ayon kay Charlie Santiago, COP Carmen.

Samantala, pinagmamalaki ni Mayor Villamor ang pagdoble ng kita ng munisipalidad dahil sa nagkakaisang pagsisikap ng pamayanan.

Inaasahan naman ng Carmen na mas dadayuhin ng mga turista ang kanilang lugar lalo pa nasa kanilang munisipalidad ang isa sa mga tourist rest area na itinayo ng Department of Tour.

Follow SMNI NEWS in Twitter