Dia Mate, panalo sa National Costume Contest ng 2025 Reina Hispanoamericana

Dia Mate, panalo sa National Costume Contest ng 2025 Reina Hispanoamericana

PANALO si Dia Mate sa National Costume Contest ng Reina Hispanoamericana 2025 sa Bolivia nitong Pebrero 2 doon o Pebrero 3 sa Pilipinas.

Featured sa kaniyang national costume ay isang detalyadong gintong salakot at damit na gawa sa mabigat na binurdahang banig.

Sa ‘Miss Turismo’ contest ng pageant ay nauna na ring nakasali sa top 5 si Mate.

Ang coronation night ng 2025 Reina Hispanoamericana ay sa Pebrero 9 doon sa Bolivia o Pebrero 10 sa time zone ng Pilipinas.

Target ni Mate na sundan ang panalo ni Winwyn Marquez noong 2017 mula sa naturang pageant.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble