PAGDARASAL lang araw-araw ang natatanging paraan ng aktres na si Dimples Romana para mapawi ang pangamba sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa aktres, bilang ina, likas na aniya ang mag-alala para sa kinabukasan ng mga anak.
Nakakabahala na kasi ayon sa aktres ang mga ulat ng COVID-19 mutations at isang malaking kalokohan kung sabihin niyang okay pa rin sya.
Marami pa rin naman aniyang mga blessings silang natatanggap pero hindi pa rin napapawi ang kaba para sa kinabukasan.
Subalit natuklasan ng aktres, pagdarasal lang pala ang susi para maging panatag.
Ibinahagi ni Dimples na bago magtapos ang kanyang araw, palagi siyang nagdarasal at pinasasalamatan na safe pa rin sila sa COVID-19.
Maymay Entrata, muling pinabilib ang Filipino fans
Samantala, muli namang pinabilib ng aktres na si Maymay Entrata ang kanyang Filipino fans.
Sa Spring Summer 2021 na issue ng Dubai-based Magazine Xpedition, makikita ang tatlong magkaibang larawan ni Maymay bilang cover.
Ito na aniya ang pangalawang pagkakataon na makikita si Maymay sa naturang magazine matapos naging cover na rin ito sa Spring issue noong 2019.
Sa naturang cover photos, showcased ang masterpieces ng Dubai-based designer na si Furne Amato na isa rin sa mga designer ng gowns ni Rabiya Mateo sa Miss Universe pageant.
Ayon naman sa Xpedition, ang mga larawan ay kinuha mula sa Ras Al Khaimah o ang highest peak ng United Arab Emirates kung saan unang tinanghal bilang international model si Maymay.
Matatandaang una nang ginawa ni Maymay ang kanyang international catwalk debut sa Dubai noong 2018.
Dahil dito, halatang likas nga na matalento ang mga Pilipino sa anumang larangan lalong-lalo na sa modeling.