“Maximum tolerance” sa face mask violators, ipatutupad pa rin ng QC

“Maximum tolerance” sa face mask violators, ipatutupad pa rin ng QC

MAGPAPATUPAD ng “maximum tolerance” ang Quezon City sa pagpapatupad ng kanilang local ordinance laban sa  face mask violators o mga indibidwal na mabibigong magsuot ng facemask sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, babalaan o pagmumultahin lamang ang mga violator sa halip na arestuhin.

Maaari lang aniyang gawin ang pag-aresto kung may pagtutol, pagsuway o pag-atake sa mga pulis.

Dagdag pa ni Belmonte, wala na ring sapat na espasyo para sa mga aarestuhin at idedetini sa kanilang detention facilities sa police station maging sa mga barangay.

Sa ngayon, nakapagtala ang QC ng mahigit 3,600 violators ng kanilang ordinansa kung saan mahigit 2,000 ang pinagmulta, 1,000 ang binalaan at mahigit 300 ang inaresto.

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa PNP na arestuhin ang mga indibidwal na hindi nakasuot ng maayos ang kanilang facemasks.

(BASAHIN: Duterte, ipinaaresto ang mga indibidwal na hindi maayos ang pagsusuot ng facemask)

SMNI NEWS