Disaster Response Task Units ng PH Army, ideneploy sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Mt. Kanlaon

Disaster Response Task Units ng PH Army, ideneploy sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Mt. Kanlaon

IPINADALA na ng Philippine Army sa pamamagitan ng kanilang 3rd Infantry Division (3ID) ang kanilang Disaster Response Task Units (DRTUs) sa Negros Island, itoy upang rumisponde sa lugar bunsod ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Ipinakalat din ng Philippine Army sa karatig na lugar na apektado rin ng naturang insidente ang kanilang essential assets mula sa iba’t ibang Infantry Battalions kagaya ng (62IB, 79IB, at 94IB), 542nd Engineer Construction Battalion at ilang reserve units mula sa 605th Community Defense Center.

Ang nasabing mga yunit ng Army ay magiging bahagi ng Search, Rescue, and Retrieval (SRR) cluster ng Negros Occidental’s Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, isa ito sa anim na cluster na may tungkuling tumugon sa mga pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng pagputok ng Kanlaon.

Sa ngayon, upang maisagawa ang nagkakaisa at epektibong pagtugon sa pangyayari, patuloy ang mahigpit na pakikipag-ugnayan ng militar sa mga lokal na yunit ng pamahalaan at mga ahensiya na tumutugon sa sakuna.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Army ang kanilang dedikasyon at kahandaan ng mga tropa na magsagawa ng HADR efforts para sa mga apektadong komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble