Disney, nagtanggal ng 7,000 empleyado dahil sa pagbaba ng subscribers

Disney, nagtanggal ng 7,000 empleyado dahil sa pagbaba ng subscribers

NAGTANGGAL ng hindi bababa sa 7,000 empleyado ang entertainment giant na Walt Disney kasunod ng pagbaba ng streaming subscribers nito.

Ayon sa Walt Disney, nakita nila ang malaking pagbagsak ng mga subscribers noong nakaraang quarter dahil sa pagtaas ng kompetisyon sa iba pang streaming company tulad ng Netflix at Amazon Prime.

Nasa 190,000 ang kabuoang empleyado ng Disney kung saan 80% sa kanila ay full-time.

Ang hakbang na ito ng Disney ay kasunod sa pagbawas din ng ibang US tech giants ng empleyado sa kasagsagan at pagtapos ng pandemya.

 

Follow SMNI News on Twitter