Pangulong Marcos at Emperor Naruhito ng Japan, nagkita

Pangulong Marcos at Emperor Naruhito ng Japan, nagkita

NAGKITA sa unang pagkakataon sina Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos kina Emperor Naruhito at Empress Masako sa Imperial Palace.

Ito ang unang pagkakataon na magkita sina Pangulong Marcos at ng Imperial Family magmula nang maluklok ito sa pwesto.

Pangulong Marcos at Japanese PM Kishida, muling nagpulong

Samantala, muling nagkita si Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Ito ang pangalawang pagkakataon ng kanilang pagkikita limang buwan matapos silang unang magkita sa Estados Unidos.

7 bilateral agreements, nilagdaan ng Pilipinas at Japan

Lumagda naman ng pitong kasunduan ang Pilipinas at Japan kabilang na dito ang humanitarian assistance, disaster relief, infrastructure, agriculture at digital cooperation.

Ang Humanitarian Assistance and Disaster Relief Agreements ay lalagdaan sa pagitan ng Department of National Defense at Japanese Ministry of Defense.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), isa ang Japan sa mga mahalagang partner ng Pilipinas sa disaster relief tuwing nagkakaroon ng sakuna sa bansa.

Habang lumagda rin ng kasunduan sa pagitan ng DFA at Japanese Foreign Ministry para sa loan agreements partikular na sa infrastructure, ang north and south railway mula Malolos, Bulacan hanggang Tutuban at ang North South Commuter Railway Extension mula Malolos, Bulacan patungong Clark International Airport pati na rin ang biyaheng Tutuban patungong Calamba, Laguna.

Tinatayang nagkakahalaga ng 3 billion dollars ang magiging utang ng Pilipinas kung saan lalagdaan ito ng Department of Finance (DOF).

Ang kasunduan naman sa agricultural cooperation ay lalagdaan sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at Japanese Ministry of Agriculture.

Lalagdaan ito ng isang senior official bilang kinatawan ni Pangulong Marcos na siya ring kalihim ng DA.

Samantala, sinaksihan nina Pangulong Marcos at Prime Minister Kishida ang documents exchange ceremony matapos ang paglagda sa mga nasabing key bilateral agreement.

Nagbigay naman ng pahayag sina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister kaugnay rito.

Follow SMNI NEWS in Twitter