BILANG pagsunod sa Republic Act (RA) 11641, nasa ilalim na ng pangangasiwa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Assistance-to-Nationals (ATN) para sa overseas Filipino workers (OFWs).
Ito ay dating nasa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA) kabilang na dito ang legal assistance, pero gayunpaman ayon sa DMW, kailangan pa rin ng dagdag-pondo para sa pag-hire ng mga tauhan at sa araw-araw na operasyon ng naturang ahensiya.
Sa press conference, araw ng Huwebes ay idinetalye ng DMW ang mga serbisyo na nakapaloob sa ATN kung saan maaring makakabenepisyo ang mga kababayan nating OFW na nangangailangan ng tulong abroad.
Sa ilalim ng RA 11641, ang lahat ng mga kaso ng tulong na kinasasangkutan ng mga OFW, kabilang ang legal o medikal na tulong, pagpapauwi, at pagpapadala ng mga labi ay dapat nang hawakan ng DMW sa pamamagitan ng paggamit ng action fund nito.
Kabilang na rito ang legal assistance gaya ng tulong sa mga nakakulong at nahatulang OFW.
Tulong sa mga alalahanin sa imigrasyon; Pagbibigay ng mga serbisyong legal sa pamamagitan ng legal counsel at sa lahat ng kasong kriminal at paggawa na kinasasangkutan ng mga OFW.
Pagbibigay ng impormasyon sa mga batas ng host country kabilang ang mga kriminal at legal na pamamaraan, Pagbisita sa kulungan, Tulong sa panahon ng mga pagdinig sa korte, at Pagbabayad ng mga parusa at singil na ipinataw ng hukuman.
Pero paliwanag naman ni DMW Usec. Hans Leo Cacdac pangangasiwaan pa rin ng DFA ang mga kasalukuyan nilang hawak na kaso at ang DMW ang hahawak nito kung may mga bagong kaso pagdating ng Hulyo 1, 2023.
Bukod sa mga legal na serbisyo, kalakip pa rin sa ATN ang mga serbisyo gaya ng Repatriation of Distressed OFWs, Labor-Related Services, Welfare Assistance, Shelter Assistance, Emergency/Crisis response at marami pang iba.
Ito’y maliban lamang sa mga bansa na walang resident Migrant Workers Offices (MWOs).
Dagdag din ni Usec. Cacdac sa kasalukuyan nasa P1.082-B ang natitirang AKSYON Fund
ng pondo ay gagamitin para sa unang batch legal retainer-ships sa siyam na post na kinabibilangan ng Taiwan, Brunei, Singapore, Dubai, Riyadh, Jordan, Lebanon, at Prague.
At gagamitin ang naturang pondo para sa tulong sa mga distressed OFW mula sa Sudan, Kuwait, Türkiye at mga kaso na kinasasangkutan ng mga OFW na may malubhang karamdaman at may hindi pa nababayarang mga bayarin sa ospital, at mga sanggol/bata ng mga OFW na nangangailangan ng pangangalaga at kaligtasan sa repatriation services.
Paglilinaw rin ni Usec. Hans kakailanganin pa rin ng dagdag-pondo para sa dagdag na personnel at araw-araw na operasyon ng naturang ahensiya.
Kaya naman kanilang isusulong ang dagdag-pondo para sa 2024 budget.
Sa ngayon mayroong higit 273 na kawani ang DMW sa buong mundo at karamihan dito ay nasa Middle East.
Ang mga OFW mula sa mga nabanggit na bansa na mangangailangan ng tulong ay maaaring direkta nang makipag-ugnayan sa DMW.