DMW, naglabas ng bagong patakaran para sa mga Residential Support Worker sa KSA

DMW, naglabas ng bagong patakaran para sa mga Residential Support Worker sa KSA

SINABI ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ang mga bagong patakaran ay bunga ng mga inisyal na pag-uusap ng DMW, na pinangunahan noon ng yumaong Secretary Susan “Toots” Ople, at ng Ministry of Human Resource and Social Development (MHRSD) Minister Ahmad bin Sulaiman AlRajhi, para buksan ang iba’t ibang kategorya ng trabaho lalo na ang mga magpoprotekta sa mga babaeng OFW.

Ipinaliwanag ni Undersecretary for Foreign Employment and Welfare Services Felicitas Q. Bay na ang mga residential support worker at cleaner ay naiiba sa mga domestic worker.

Ang mga residential support worker ay magkakaroon ng skilled visa at hindi domestic worker visa, at ang kanilang mga employer ay direktang magiging mga mega recruitment companies (MRCs).

‘’Ang residential support worker ay may skilled visa or labor visa, so yun ang pagkakaiba ng domestic worker its a domestic worker visa at ang residential support worker ay skilled visa, ang domestic worker ay naninirahan sa kanyang employer, ang residential support worker ay hindi naninirahan sa kanyang employer,” ayon kay Usec. Felicitas Q. Bay.

Bukod dito, ang mga residential support worker ay tatanggap ng buwanang sahod na 1500 Riyals at dagdag na 500 Riyals bilang allowance sa pagkain, kasama ang overtime pay kung sila ay magtatrabaho nang lampas sa walong oras ng trabaho ayon sa batas ng Saudi.

Ang kanilang MRC employer ang magbibigay ng tirahan at transportasyon papunta at pabalik sa kanilang trabaho, at makakatanggap din sila ng iba pang benepisyo tulad ng health insurance.

Ayon sa mga patakaran, ang mga MRCs, Foreign Recruitment Agencies (FRAs) at Philippine Recruitment Agencies (PRAs) ay dapat sumunod sa mga alintuntunin, walang placement fee na sisingilin sa mga residential support worker; awtomatikong tataas ang kanilang sahod kapag naglabas ang DMW o KSA ng bagong patakaran sa minimum na sahod; susuriin ang kanilang sahod taun-taon; at hindi gagamitin ang mga cleaner bilang domestic worker.

“So hindi sila ‘yung mag-aalaga ng bata, hindi sila yung mga mag-aalaga ng employer, sila yung residential support worker,” saad ni Usec. Felicitas Q. Bay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble