HINIHINTAY pa ng Department of National Defense (DND) ang detalyadong ulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa naging kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ito’y may kaugnayan sa pagsasagawa ng Rotation & Re-supply (RoRe) mission sa mga sundalong nakaistasyon sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa panayam kay Defense Spokesperson, Dir. Arsenio Andolong, may mga bagay pa silang nais linawin sa DFA hinggil sa nasabing kasunduan.
Sa kabilang banda, sinabi ni Andolong na ipinauubaya na nila sa National Maritime Council ang anumang komento patungkol sa usapin dahil ito ang may poder hinggil ditto.
Giit pa ni Andolong, iisa lamang ang layunin ng mga nasabing pag-uusap at ito ay para pahupain ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa upang panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.