DOE, hinihikayat ang publiko na magtipid sa gitna ng oil price hike; oil companies, magsakripisyo

DOE, hinihikayat ang publiko na magtipid sa gitna ng oil price hike; oil companies, magsakripisyo

HINIHIKAYAT ng Department of Energy (DOE) na magtipid ang mga konsyumer sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Hiniling na rin ng DOE ang mga kumpanya ng langis na magsakripisyo at bawas-bawasan ang kanilang pinapabayaran.

Kasabay nito ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, tinitingnan na nila ang pricing formula na ginagamit sa kasalukuyan para makita kung may paraan pa ba para mapababa ang presyo ng langis.

Ibinahagi naman ni Cusi na magbibigay sila ng ayuda sa sektor ng transportasyon na nagkakahalaga ng P5-B.

P2.5-b ngayong buwan at sa susunod na buwan ang natitirang P2.5-B.

Mamamahagi rin sila ng P1.1-B para sa sektor ng agrikultura.

 

Follow SMNI News on Twitter