DOH, iwas sa paggamit ng salitang “FLiRT” sa pagtukoy sa KP.2 at KP.3 COVID-19 subvariants

DOH, iwas sa paggamit ng salitang “FLiRT” sa pagtukoy sa KP.2 at KP.3 COVID-19 subvariants

MAAARING magdulot ng miscommunication ang pagtawag ng FLiRT sa mga COVID-19 subvariant na KP.2 at KP.3.

Sabi pa ng Department of Health (DOH), dapat nang iwasan ang paggamit ng ‘FLiRT’ bilang pagtukoy sa mga subvariant ng COVID-19 dahil ang terminong ito ay ‘informal’ at ‘casual’ na maaari ngang magresulta sa ‘di pagkakaunawaan sa health risk.

“The DOH avoids using “FLiRT” to refer to the subvariants, as the term is informal and casual. Using it might result in a miscommunication of health risk,” ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, ang FLiRT ay nickname na ginagamit lamang ng mga researcher para sa paglalarawan sa mga pagbabago sa amino acid sa spike protein ng COVID-19.

Ang tamang pangalan aniya ng mga subvariant na classified bilang ‘under monitoring’ ngayon ng World Health Organization (WHO) ay ang KP.2 at KP.3 at hindi FLiRT variants.

“Variants KP.2 and KP.3 are the proper names of what is informally known as “FLiRT” variants. FLiRT is a nickname coined by some researchers to describe amino acid changes in the COVID-19 virus’ spike protein, specifically from phenylalanine (F) to leucine (L) at position 456, and from arginine (R) to threonine (T) at position 346,” ayon pa DOH.

Mga rehiyon sa Pilipinas, nananatiling low risk sa COVID-19; Mahigit 200 na average na kaso ng COVID-19 kada araw, naitala

Sa kabila naman ng naturang subvariants na maaaring nakapasok na ng Pilipinas ay sinabi ng ahensiya na nanatiling low-risk sa COVID-19 ang lahat ng rehiyon sa buong bansa.

Ang mga COVID-19 cases na naitala sa bansa ay mild at manageable ayon sa DOH.

“The DOH assumes the flagged Omicron subvariants (i.e. KP.2, KP.3) are already likely here, and notes that cases continue to be clinically mild and manageable,” dagdag ng ahensiya.

Base sa datos, mula Mayo 14-20, nasa 202 ang average COVID-19 cases na naitala kada araw.

Ito ay mas mababa kung ikukumpara sa 500 kada araw sa pagsisimula ng taon at sa 1,750 kada araw na naitala sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo noong taong 2023.

As of May 18, 12 percent na COVID-19 ICU beds ang okupado at sa kabuuang COVID-19 beds, 14 percent lamang ang okupado.

Nasa 151 o 9 percent naman ang total admissions sa iba’t ibang hospital.

Sa mga bagong kaso ng COVID-19, 16 ang kritikal.

12 ang naitalang patay kung saan 5 ay naitala sa nakalipas na dalawang linggo.

DOH, patuloy na naka-heightened alert sa mga entry points ng KP.2 at KP.3 sa buong bansa

Patuloy pa ring naka-heightened alert ang Bureau of Quarantine sa mga point of entry laban sa KP.2 at KP.3.

Sa kabila nito, ayon sa ahensiya, walang siyentipikong batayan para magpatupad ng travel restrictions.

“There is still no scientific basis for travel restrictions to any country because of an increase in COVID-19 cases. The Department remains to be in close coordination with international health authorities,” pahayag ng DOH.

Wala rin aniyang karagdagang entry forms at procedures maliban sa mga nakalagay sa etravel.gov.ph website o eGovPH app.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter