TINIYAK ng Department of Health (DOH) na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pakikipag-negosasyon sa mga manufacturers para makabili ang Pilipinas ng mga bivalent booster laban sa COVID-19.
Lumitaw kasi aniya sa pag-aaral ng ilang mga eksperto sa ibang mga bansa na mas mababa ang hospitalization at death rate ng mga edad 65 pataas na naturukan nito.
81% umanong mas mababa ang tsansang maospital at 86% naman na mas mababa ang pagkamatay ng mga naturukan na ng bivalent booster kumpara sa mga naturukan ng mga naunang COVID vaccines.
Partikular aniya ang resulta ng pag-aaral na isinagawa sa Israel na napatunayang mas mabisa umano ito na panlaban sa unang COVID virus maging sa Omicron variant BA.4 at BA.5.