INIUTOS na ng Department of Justice (DOJ) na magbuo ng special task force na mag-iimbestiga sa mahigit 20 insidente ng patayan sa Negros Oriental, kabilang na ang kaso sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.
Ito ang reaksyon ng DOJ sa kahilingan ni Senator Francis Tolentino na patutukan sa special task force ang insidente ng mga patayan sa nasabing lalawigan.
Ipinaliwanag naman ng DOJ na posibleng idaos ang mga pagdinig sa Cebu o sa Maynila, depende sa kahilingan ng mga testigo at mga complainants.
Kaugnay nito’y tutulungan aniya ng witness protection program ng DOJ ang mga testigo sa pagharap sa mga pagdinig.