NAGHAIN ng Motion for Reconsideration ang state prosecutors sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) 204 sa pangalawang drug case ni dating Senator Leila de Lima matapos mabasura ang isa sa dalawang natitirang drug cases nito.
Ito’y kasunod ng acquittal kay De Lima at sa dating bodyguard nito na si Ronnie Dayan.
Humirit ang DOJ Panel of Prosecutors sa Muntinlupa RTC na baliktarin nito ang desisyon sa isa sa mga drug cases ni De Lima.
Ang desisyon ng korte ay dahil sa reasonable doubt matapos ang pagbaliktad ng testimonya ni dating Bureau of Correction (BuCor) OIC Rafael Ragos laban kay De Lima.
Sa unang pahayag ni Ragos, sinabi nitong siya mismo ang naghatid ng drug money na nagkakahalaga ng P5-M sa bahay ni De Lima sa Parañaque City para sa kaniyang senatorial bid noong 2012.
Binawi ang salaysay nito noong Mayo 2022.
Saad naman ng prosecutors ang pag-recant ni Ragos ay hindi sapat para masira ang naging orihinal na testimonya nito.
Ang mga pahayag umano nito ay sinumpaan sa harap ng husgado at dumaan ng matinding cross examinations.
“The testimony was given under oath, in the presence of a judge and subjected to extensive cross-examinations as well as corroborated by several witnesses,” ayon sa Department of Justice (DOJ) Panel of Prosecutors.
Maliban dito, ang ibang ebidensiya na kanilang iprinesenta ay magpapatunay sa elemento ng krimen at sa involvement ng mga akusado
“A review of the records confirms the merit of the Prosecution witnesses’ assertions and will persuade the court that its decision indeed disregarded facts that were clearly and indisputably proven by the evidence presented by the Prosecution,” dagdag ng DOJ Panel of Prosecutors
Sinabi rin nito na ang kanilang rebuttal evidence ay kokontra sa claims nito na siya’y pinilit para tumestigo.