DOJ, pinag-iisipang humingi ng tulong sa forensic expert para malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Zulueta

DOJ, pinag-iisipang humingi ng tulong sa forensic expert para malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Zulueta

NAIS ng Department of Justice (DOJ) na maimbestigahan ang totoong naging sanhi ng pagkamatay ng akusadong si Dating Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Security Officer Ricardo Zulueta sa Percy Lapid Slay Case bilang bahagi ng paghahanap ng katotohanan at pagbibigay ng hustisya.

Magkaiba umano kasi ang naging sanhi ng kamatayan ni Zulueta sa kumakalat na death certificate kesa sa naunang ulat kung bakit ito namatay.

“Unravel the truth, leave no stone unturned and don’t let anyone or anything prevent us from pursuing accountability and delivering justice,” pahayag ng Department of Justice (DOJ).

Sa una umano kasing lumabas na ulat, isinugod sa ospital si Zulueta dahil sa matinding paninikip ng dibdib at agad itong binawian ng buhay nang madala sa pagamutan.

Pero pagdating sa kaniyang death certificate, ang naging sanhi ng kamatayan nito ay dahil sa pagdurugo sa utak.

Ang bagay na ito ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, ay kailangang imbestigahan ng NBI.

Aniya kung kailangan nitong humingi ng advice mula sa isang pathologist ay dapat gawin ng mga ito para sa kanilang gagawing imbestigasyon.

Pinag-iisapan aniya ng ahensiya kung lalapit ito sa forensic expert na si Dr. Raquel Fortun para sa pagsasagawa ng otopsiya sa bangkay ni Zulueta.

“To dispel doubts and rumors, once and for all, the DOJ is also contemplating seeking Dr. Raquel Fortun’s expertise to conduct an autopsy on Zulueta’s remains,” dagdag ng DOJ.

Hinihikayat din ng DOJ ang PNP na i-bahagi sa kanila ang naging findings nito hinggil sa pagkamatay ni Zulueta.

Follow SMNI NEWS on Twitter