DOJ Sec. Remulla suportado ni Pastor ACQ laban sa CPP-NPA

DOJ Sec. Remulla suportado ni Pastor ACQ laban sa CPP-NPA

NAGPAHAYAG ng kanyang suporta si Pastor Apollo C Quiboloy kay Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla.

Sa kanyang programang Spotlight nitong Biyernes, sinabi ng buthing Pastor na kasama nito ang pamunuan ngayon ng DOJ sa laban kontra Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ito’y matapos sinabi ng kalihim ng DOJ na hindi na kailangan maghain pa ng apela matapos ibasura ng korte ang petisyon nila na ideklarang terrorist group ang CPP-NPA dahil maituturing na itong moot and academic o wala nang saysay dahil napaso na rin ang batas na pinagbatayan – ang RA 9372 o Human Security Act of 2007.

Matatandaan nitong Miyerkules Setyembre 21, 2022 kasabay ng paggunita ng ika-50 Anibersaryo ng Deklarasyon ng Martial Law ay ibinasura ni Manila RTC Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar ang nasabing petition.

Kaya naman, pinalakpakan mismo ni Pastor Apollo si Secretary Remulla dahil sa matapang na paninindigan nito laban sa CPP-NPA.

Samantala, binigyan naman ng ‘’thumbs down’ ng butihing Pastor ang judge na pumapabor sa teroristang grupong CPP-NPA.

 

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Pastor ACQ, sinabing walang hustisya ang ginawang pagbasura ng Manila RTC sa kasong magdedeklarang terorista ang CPP-NPA

Pagbasura ng Manila RTC sa petisyon na ideklarang terorista ang CPP-NPA-NDF, walang epekto -DOJ

Human Security Act of 2007 na labnaw at walang pangil, ginawang reference ng Manila RTC – Lt. Gen. Parlade

 

Follow SMNI News on Twitter