DOJ, Teves at Degamo camp, inatasan ng korte na huwag nang magsalita o magkomento sa Degamo Case; DOJ tatalima sa gag order

DOJ, Teves at Degamo camp, inatasan ng korte na huwag nang magsalita o magkomento sa Degamo Case; DOJ tatalima sa gag order

SA pagdinig ng Manila RTC, araw ng Miyerkules, inutusan ang Department of Justice (DOJ), ang Teves camp maging ang kampo ng mga Degamo na tigilan na ang pagkokomento o pagsasalita hinggil sa merito ng Degamo case.

Paliwanag naman ni DOJ Spokeserson Asec. Mico Clavano na ang pagsasalita nila patungkol sa kaso ay para lamang kontrahin ang mga maling impormasyon na lumalabas sa mga social media o sa mga balita.

“Wala namang prior incident dito sa gag order. It’s just all about chatter on social media, and again ang dahilan soon ay nagsasalita lang naman kami kasi may lumalabas na hindi tama. We feel it’s our obligation to correction certain notions that are out in the social media o mainstream media para tama po ang makukuha ng publiko,” pahayag ni Asec. Mico Clavano, Spokesperon, DOJ.

Tiniyak naman ng DOJ, na susunod sila sa gag order ng korte, lalo pa’t sa korte naman dapat pag-usapan ang kaso.

Umaasa ito na maging ang kampo ni Teves ay susunod din sa kautusan ng korte.

“We welcome the gag order by the judge, it’s very prudent and diligent to issue such as an order. Kami po susunod po kami. Kasi we would rather battle it out in court. ‘Yon naman talaga ang sinasabi namin from the start, na ang tamang proper forum ay ang korte mismo. Kaya hindi na tayo dapat magsasalita sa social media, mainstream media, sa kung saan saan pa,” dagdag ni Clavano.

Ayon kay Clavano, dahil sa gag order, hindi na sila magpapalabas ng anumang pahayag patungkol sa merito ng kaso.

“Itong gag order na ito will prevent us to comment on the merit of the case we hope all parties will follow the order of the court,” aniya.

Maging ang kampo ng mga Degamo, hindi aniya susuwayin ang gag order ng Manila RTC.

“The last thing we would like to do is to offend the judge so (susunod) po talaga tayo,” wika ni Mayor Janice Degamo, Pamplona, NegOr.

Samantala, nanatili pa rin sa Timor-Leste si dating Cong. Arnie Teves kahit pa nakalaya na ito sa house arrest doon.

Pero hindi pa rin ito maaring makalabas ng naturang bansa hanggat wala pang desisyon ang korte doon sa extradition request ng gobyerno ng Pilipinas laban sa dating kongresista.

Hindi naman bumibitiw si Mrs. Degamo sa inaasam na hustisya para sa napatay niyang asawa.

“We are trying to hold on to our hope na mapauwi talaga yong mastermind of the killing,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble