DOT Secretary Frasco nakidalo sa pagbubukas ng World Travel Event sa London

DOT Secretary Frasco nakidalo sa pagbubukas ng World Travel Event sa London

INANYAYAHAN ng World Travel Event organisers sa London United Kingdom ang daan-daang delegasyon mula sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas sa unang araw ng pagbubukas ng nasabing okasyon.

Bawat taon, ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa ay nagtitipon sa Excel London upang isulong ang paglago at pag-unlad ng pandaigdigang industriya ng paglalakbay.

Pinangunahan ito ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco at ng iba pang opisyales ng DOT na may sariling layunin na mas maipakilala pa ang turismong Pilipino sa UK market gayundin sa iba pang international attendees.

Nakapanayam ng SMNI News UK si Sec. Frasco at sinagot ang ilan sa katanungan sa kaganapan sa departamento ng turismo.

“Unang-una po nagpapasalamat ako sa SMNI for helping us promote the Philippines. Sa ating mga kababayang Pilipino, nandito po tayo sa World Travel Market for the purpose of promoting our country to the rest of the world kasi po open na po ang Pilipinas. Yung ating presidente, naglift na ng mga travel restrictions. Optional na po yung mask… until we are here to promote the best of the Philippines to the world,” ayon kay Sec. Frasco.

Tinanong din ito ng correspondence ng SMNI News UK kung ano ang pagkakaiba ng pagpromote ngayon sa Pilipinas kumpara sa mga nagdaang mga taon…

“Well we now live where we are coming out of the pandemic versus the past few years where we’ve hovered under the fear of the pandemic,” saad nito.

Ito naman ang naging sagot ng Secretary nang matanong siya kung ano ang importansya ng katagumpayan ng turismo sa buhay ng nakararaming Pilipino.

“The success of our effort in tourism is the success of every Filipino because tourism contributes,’’ ani Frasco.

Nagpaabot din ng mensahe si Sec. Frasco para sa mga kababayan nating Pilipino na naninirahan sa United Kingdom.

“Nagpapasalamat po ako sa ating mga kababayang Pilipino dito sa United Kingdom daghang kaayong salamat,’’ dagdag nito.

Sa kabilang banda, ang bagong Chief Operating Officer of the Tourism Promotions Board na si Ma’am Marga Nograles ay nagpaunlak din ng maikling panayam patungkol sa kanyang trabaho sa Department of Tourism at kung ano ang kanyang masasabi sa ideya ng pagtatayo ng regional cultural centers bilang parte ng promotion sa turismo lalo na ating mga Indigenous People.

“Right now, what the secretary is doing, as part of her 7 point agenda, she’s very strong in infrastructure,” ayon kay Marga Nograles.

Ang UK Market ay nabibilang na isa sa pinakamalaking market ng mga biyahero na madalas nagbabakasyon sa iba’t ibang bansa taon-taon at umaasa ang DOT Philippines na makakakuha ng marami pang turistang Briton sa ating bansa.

Unang araw pa lamang ito ng World Travel Market Event at inaasahan ng DOT team ang mataas na interes mula sa UK public gayundin ang makuha ang atensyon ng mga international attendees sa nasabing event.

Inaasahan ng DOT na mas maraming kikilala at tatangkilik sa kultura ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter