DOTr at DPWH, nakumpleto na ang 497 km bike lanes sa Metro Manila, Cebu at Davao

DOTr at DPWH, nakumpleto na ang 497 km bike lanes sa Metro Manila, Cebu at Davao

NAKUMPLETO na ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 497 kilometer bike lanes sa Metro Manila, Cebu at Davao na parte ng layunin ng mga ahensya na isulong ang active transportation sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na ang bike lanes ay binubuo ng pavement markings, physical separators, at road signages.

Sinabi ni DOTr Secretary Art Tugade na pinapakita ng proyektong ito ang layunin ng ahensya na isulong ang active transportation at masiguro ang kaligtasan ng mga pedestrians.

Naglagay ang mga nasabing mga ahensya ng 313 kilometers na pavement markings, physical seperators at road signages sa Metro Manila na nagkakahalaga ng 801.8 million pesos.

Sa Metro Cebu, ang parehong ahensya ay nakakumpleto ng 129 kilometers ng bike lanes na nagkakahalaga ng 150 million pesos at 55 kilometers sa Davao na nagkakahalaga naman ng 145.3 million pesos.

Sinabi ng DOTr na ang kabuuan ng proyektong ito ay nagkakahalaga ng P1.09 billion sa ilalim ng Bayanihan Bike Lane Network Project.

 

SMNI NEWS