DOTr: Tigil-pasada, tagumpay sa pang-aabala sa daloy ng trapiko

DOTr: Tigil-pasada, tagumpay sa pang-aabala sa daloy ng trapiko

AMINADO ang Department of Transportation (DOTr) na naging matagumpay ang grupong PISTON at Manibela sa kanilang ginawang tigil-pasada pero hindi sa paraang inaakala ng mga ito.

“We think they were successful in creating traffic pero we will able to prove to them that the government is ready to address the transport issues,” ayon kay Sec. Jaime Bautista, DOTr.

Binigyang-diin ni DOTr Sec. Jaime Bautista na bagamat nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko ay bigo pa ring maparalisa ng mga grupo ang public transport.

Giit ng kalihim, inihanda na ang multa na maaaring ipataw sa mga ito matapos nilang lumabag sa batas-trapiko.

“I think, the government will prepare for charges kung anuman ang ginawa nilang kasalanan,” ani Bautista.

Mga tsuper na lumahok sa tigil-pasada at nang-abala sa daloy ng trapiko, bibigyan ng show cause order ng LTFRB

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay hindi nagdalawang-isip na patawan ng show cause order ang 37 tsuper na lumahok sa tigil-pasada.

Napag-alaman kasi ng ahensiya na 10 hanggang 12 dyip ay paso na ang prangkisa o tumatakbong kolorum kaya naman huhulihin na sila pagkatapos ng Abril 30, 2024.

“So, hu-huntingin na namin ‘yun the rest ay still have existing franchise but they have not joined any cooperatives so they will be still given show cause order but on April 30,” ayon kay Asec. Teofilo Guadiz III, Chairman, LTFRB.

Sabi ni LTFRB Chief, may nilabag ang mga tsuper na nararapat lamang bigyan ng show cause order (SCO).

“Number 1 obstruction, number 2 colorum dahil hindi naman nila ruta ‘yung Quezon Circle po tapos nagdala sila ng pasahero doon at wala naman silang special permit from the LTFRB. I, think that is the clear message for everybody, next time gagawin niyo ‘yun tutuluyan namin kayo,” dagdag pa ni Guadiz.

Sa katunayan, may tatlong tsuper ng dyip ang na-impound ng LTFRB dahil sa traffic obstruction.

Impounding area para sa mahuhuling jeep sa Mayo na bigong pumasok sa kooperatiba para sa PUVMP, nakahanda na—LTO

Ang Land Transportation Office (LTO) naman ay all set na sa darating na Mayo para sa gagawing operasyon kontra kolorum.

Nakahanda na ang iba’t ibang impounding areas ng ahensiya para rito.

“Well, kukuha kami ng Q sa DOTr at LTFRB. ‘Pag sinabi ng LTFRB na walang prangkisa ay walang prangkisa. Pinaghahandaan na po namin ‘yan pati ‘yung impounding areas namin ay kini-clear namin para diretso. But, this is parcel doon sa utos ni Secretary na Active Apprehension of Colorum, utos po ni Presidente ‘yun na apprehend namin ‘yung colorum. So, diretso-diretso na ‘yan whether it’s May 1 o before May 1 ay tuluy-tuloy,” ayon kay Asec. Vigor Mendoza II, Chief, LTO.

Tiniyak naman ng LTO Chief na sapat ang bilang ng mga tauhang ide-deploy nila sa mga pangunahing lansangan sa Mayo.

“We are coordinating with our other enforcers na deputized para mag expand po ‘yung capability ng LTO,” dagdag pa nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble