Drug-free PNP, tiniyak ng liderato ng pulisya

Drug-free PNP, tiniyak ng liderato ng pulisya

PURSIGIDO ang Philippine National Police (PNP) na gawing drug-free ang kanilang organisasyon.

Ito ang tiniyak ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. kasunod ng random drug testing sa mga pulis.

Ayon kay Acorda, ang resulta ng random drug testing ay nagpapakita na nagbubunga ang pagsisikap na malinis sa ilegal na droga ang kanilang hanay.

Nabatid na sa mga sumailalim sa random drug testing ay 25 pulis ang nagpositibo kabilang ang dating hepe ng Mandaluyong City Police na si Police Colonel Cesar Gerente.

Sa nasabing bilang, 8 ang naalis na sa serbisyo, isa ang nag-resign at ang iba ay sumasailalim sa summary hearing.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble