TWG, binuo ng DHSUD para mapabilis ang Pabahay Program ng pamahalaan

TWG, binuo ng DHSUD para mapabilis ang Pabahay Program ng pamahalaan

TARGET ng Technical Working Group (TWG) ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Urban Poor Action Committee (UPAC) na mapabilis ang implementasyon ng programang Pabahay ng pamahalaan.

Kasama sa tutukan ng TWG ang iba’t ibang housing resettlement concerns.

Sinabi ni DHSUD Sec. Rizalino Acuzar, patunay ito na inuuna ng pamahalaan ang kapakanan ng mga mahihirap at pinapakinggan ang lahat ng stakeholders.

Ayon pa sa kalihim, mahigpit na naka-monitor sa Pabahay Program si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa ngayon, nasa halos 200 lokal na pamahalaan na sa bansa ang nakapaglagda ng memorandum of understanding (MOU) para dito ayon sa DHSUD.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble