DSWD FO 1, iniabot ang P45.5-M tseke sa Prov’l Gov’t ng Ilocos Norte para sa AICS program

DSWD FO 1, iniabot ang P45.5-M tseke sa Prov’l Gov’t ng Ilocos Norte para sa AICS program

NAGBIGAY ang Department of Social Welfare Development (DSWD) Field Office 1 sa pamamagitan ng Provincial Operations Office – Ilocos Norte ng P45.5-M tseke sa Provincial Government of Ilocos Norte (PGIN).

Ito ay nakalaan para sa patuloy na pagpapatupad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa lalawigan.

Nakasaad sa memorandum of agreement (MOA) na ng nilagdaan ni DSWD FO 1 Regional Director Marie Gopalan at Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc na ang nasabing halaga ay magagamit sa pagpapaabot ng financial assistance sa mga nasalantang pamilya ng Bagyong Egay.

Magugunitaan, ang Ilocos Norte ang isa sa mga probinsiya sa Rehiyon Uno na agad na nagdeklara ng state of calamity dahil sa malaking pinsalang dulot ng bagyo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble