DSWD, nakipagpulong sa BSP para sa digitalisasyon sa ahenisya

DSWD, nakipagpulong sa BSP para sa digitalisasyon sa ahenisya

NAKIPAGPULONG si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Regional Operations and Advocacy Sector Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat.

Ito’y may kaugnayan sa usapin ng digitalisasyon sa cash transactions sa ahensiya, kabilang dito ang posibilidad ng contactless na distribusyon ng financial assistance gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ayon kay DSWD Sec. Gatchalian, ang digitalisasyon sa sistema at proseso sa ahensiya ang isa sa mga prayoridad na itinutulak nito sa ahensiya.

Bahagi rin aniya ito ng plano niyang pagpatutupad ng konsepto ng ease of doing social welfare.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter