DTI at Ka Fuerte training programs sabay na inilunsad sa Camarines Sur

DTI at Ka Fuerte training programs sabay na inilunsad sa Camarines Sur

PROGRAMANG hatid ng Ka Fuerte skills sa organic fertilizer production at Department of Trade and Industry (DTI), sabay-sabay na inilunsad sa probinsya ng Camarines Sur.

Malaking bagay para sa mga taga Camarines Sur ang iba’t-ibang programa ng gobyerno lalo na sa mga nais matuto ng iba’t-ibang paraan upang magkaroon ng pagkakakitaan lalo na ngayong panahon ng krisis bungsod ng pandemya.

Ang organic fertilizer production ay isa lamang sa Ka Fuerte skills training program sa tulong na rin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa probinsya ng Camarines Sur para sa publiko upang matutong gumawa o magprodyus ng mga organic fertilizers na malaking tulong upang lalong umunlad ang pagtatanim at dumami ang mga produktong mapapakinabangan ng mga lokal na magsasaka sa probinsya.

Isa ang sektor ng mga kabataan ang nabenipisyuhan ng programang ito upang magkaroon ng kaalaman patungkol sa pagsasagawa ng organic fertilizers at magkaroon ng interes sa pagtatanim na makakatulong sa mga ito ngayong panahon ng pandemya.

Ang DTI Camarines Sur ay patuloy din sa pagsasagawa ng mga seminars at trainings sa buong probinsya gaya ng seminars on business continuity planning kung saan 10 ang nabigyan ng welding machines sa bayan ng Sañgay,

Seminar on abaca and coco coil fiber preparation for handicrafts making naman sa Salingogon, Minalabac, skills training on rattan homestyle crafts making sa Bagong Silang Del Gallego, skills training on rice and root crops native delicacies making sa Taban, Minalabac, skills on fan making at fish embutido processing sa bayan ng Canaman, plant holder making sa Bagacay, Libmanan, seminar on financial literacy sa bayan ng Calabanga, financing forum sa Ragay, Camarines Sur at marami pang iba.

Sa pagkakaisa ng mga ahensya ng gobyerno katulad ng DTI, TESDA at nang lokal na gobyerno ng probinsya ng Camarines Sur natutulungan ang publikong magkaroon ng pagkakakitaan lalo na ngayong nagpapatuloy pa rin ang pananalasa ng pandemya sa bansa.

(BASAHIN: DTI-Bicol nag-alok ng loan capital sa mga negosyante)

SMNI NEWS