NAKIISA ang Department of Trade and Industry (DTI) sa PinasLakas COVID-19 vaccination drive ng gobyerno.
Nitong Biyernes, tumanggap ng bakuna kontra COVID-19 ang mga empleyado ng DTI.
Mismong si Health OIC Maria Rosario Vergeire ang nagbakuna ng second booster kay DTI Undersecretary Ruth Castelo sa isinagawang ‘Bakunahang Bayan’ ng DOH sa mga opisina ng ahensya.
Sinabi naman ni Castelo na ang special vaccination program sa DTI ay ginawa bunsod ng pagtaas ng COVID-19 cases sa ahensya lalo na sa kanyang division na Consume Affairs.