INIHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakatakda nilang ilunsad ang Advance Manufacturing Workers Development Program para sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga manggagawa sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na layon nilang palakasin pa ang kakayahan ng mga manggagawa sa manufacturing sector.
Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong pamamaraan at inobasyon para sa nasabing sektor.
Sa paraang ito ay mapataas pa ang antas ng pamumuhay ng mga Pililino at maitupad ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na makasabay sa international standards ang Pilipinas.
Ito ay para makapang-akit pa ng mas maraming investors sa ating bansa.