P3.48-T halaga ng proyekto, nabuo mula sa official foreign trips ni PBBM

P3.48-T halaga ng proyekto, nabuo mula sa official foreign trips ni PBBM

IKINATUWA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unti-unti nang nagbubunga ang kanyang mga opisyal na pagbiyahe sa iba’t ibang bansa.

Ito’y matapos iulat na humigit tatlong trilyong piso ang kabuuang investment pledges at kasunduan na ang nakuha ng Pilipinas.

Nitong Huwebes, nakipagpulong si Pangulong Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) at Office of the Presidential Assistant on Investment and Economic Affairs (OPAIEA) sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa ulat ng DTI kay Pangulong Marcos, nasa 116 na proyekto na nagkakahalaga ng USD 62,926 bilyon o Php 3.48 trilyon ang nabuo mula sa official foreign trips.

Kaugnay dito, inihayag naman ni Pangulong Marcos na inaasahan na marami pang ilulunsad na proyekto sa mga susunod na linggo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter