Dumaguete City LGU, binawi ang permit na unang ibinigay para sa Maisug Rally sa May 7

Dumaguete City LGU, binawi ang permit na unang ibinigay para sa Maisug Rally sa May 7

BINAWI ng Dumaguete City LGU ang permit na unang ibinigay para sa Maisug Rally na nakatakda sa Martes, May 7, 2024.

Sa liham ni Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo na nilagdaan ni City Administrator Lilani l. Ramon sa rally organizer, ang pangunahing dahilan ng pagkansela ay kulang ang kanilang kapulisan para masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa nakaplanong pagtitipon.

Ito ay matapos nilang malaman na kabilang sa dadalo sa Maisug rally ay si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Atty. Harry Roque, Atty. Glenn Chong, at Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte.

Hindi rin anila kayang maibigay ang hinihinging metal bariers at iba pang hinihingi ng rally organizer dahil sa kakulangan ng panahon.

Gayunpaman, ilang oras ang lumipas ay ibinalik ni Mayor Ipe Remollo ang permit ngunit inilipat ang venue ng rally sa Freedom Park ng Dumaguete City, harap ng Negros Oriental Provincial Capitol.

Follow SMNI NEWS on Twitter