Duterte admin, ‘di nakitaan ng mga aberya sa NAIA—Former Palace Spokesman

Duterte admin, ‘di nakitaan ng mga aberya sa NAIA—Former Palace Spokesman

IGINIIT ngayon ng dating tagapagsalita ng Duterte administration na walang nangyaring aberya sa kuryente ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kanilang panunungkulan.

Ayon naman sa isang mambabatas, nakatakdang imbestigahan sa Kamara ang mga sabit ngayon sa paliparan.

Hindi pa nga nakakaupo sa puwesto noong 2016, ay solb agad ni noo’y Davao City Mayor at Pangulong elect Rodrigo Roa Duterte ang problema sa laglag bala sa NAIA.

Ito yung mga panahon kung saan sadiyang nilalagyan ng bala ang bagahe ng mga pasahero.

Ang mga nabiktima ng modus, nakulong dahil mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagkakaroon ng bala ng baril.

Kung paano nahinto ang laglag bala modus?

Ngayong 2023, dalawang insidente ng pagkawala ng kuryente ang naitala sa NAIA.

Pinakahuli ay nitong Labor Day kung saan aabot ng 8 oras nawalan ng power supply.

Partikular sa naapektuhan ang NAIA Terminal-3.

Sa inilabas na pahayag ng NAIA, sinabi nito na ang power outage ay nangyari sa paliparan.

Ang resulta, higit 40 flights ang naantala.

Kaya ayon day dating Palace spokesman Salvador Panelo, bakit nangyayari ang sunod-sunod na aberya sa NAIA?

 “Tapos sabi iimbestigahan? Akala ko ba inimbestigahan niyo na yan? Ang solusyon lang diyan yung generator niyo palaging naka-ready yun ang trabaho ng generator eh? saad ni Atty. Salvador Panelo, dating tagapagsalita ng Duterte administration.

Binalikan naman ni Panelo ang insidente sa laglag bala.

Na agad nalaglag o nahinto dahil sa tapang ni dating Pangulong Duterte.

May 1 glitch sa NAIA, paiimbestigahan sa Kamara—mambabatas

Sa Kamara naman, sinabi ni Anakalusugan Rep. Ray Reyes na paiimbestigahan sa Kamara ang isyu sa NAIA.

Sa isang mensahe sa SMNI News, natitiyak ng mambabatas na iimbestigahan sa Mababang Kapulungan ang issue.

Nauna nang nagkasa ng imbestigasyon ang Kamara sa ‘Enero 1 Power Glitch’ sa NAIA.

Ayon naman kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para paimbestigahan ang anggulo ng pananabotahe sa airport operations.

Pero sa ngalan ng command responsibility sa nangyari,

“Palitan. Pag hindi niyo kaya puwede bang umalis na kayo diyan? Iniinis niyo lang ang taumbayan eh?” saad ni Panelo.

Humingi naman ng paumanhin ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga naperwisyong pasahero sa panibagong aberya na nangyari sa paliparan.

Tiniyak naman ng kasalukuyang liderato ng DOTr na magpapatuloy ang imbestigasyon nila sa aberya nitong Labor Day.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter