NANATILING sikat o popular sa mga Pilipino si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaysa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang hayagang sinabi ni Cebu City Mayor Mike Rama dahil aniya, ang eleksiyon ngayong taon ay sa pagitan ng Duterte at Marcos.
Aniya, mas nanatiling popular si Duterte kaysa kay Marcos Jr.
Nagpasalamat din si Rama, na siyang Vice President for Visayas ng PDP-Laban, kay FPRRD sa pag-endorso sa kanya ng dating pangulo.
Matatandaan na sa panahon ng pagtakbo ni dating Pangulong Duterte hanggang sa kaniyang pagkapanalo at pagbaba sa puwesto bilang presidente ng Pilipinas ay nakasuporta talaga ang mayorya ng mga Pilipino.
Habang si Marcos Jr. naman ay sumikat noong 2022 elections nang tumakbong presidente katambal ni Vice President Sara Duterte at manalo.
Pero dahil nagkahiwalay na ang landas ng mga Duterte at Marcos, at may kanya-kanya nang iniendorso ngayong 2025 midterm elections, nakikita sa pagsisimula ng kampanya ang malaking kaibahan ng dalawang magkalabang partido.
Sa ngayon ay patuloy na dinudumog ang mga campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ng mga Duterte, habang nababatikos naman ang alyansa ng Bagong Pilipinas ni Marcos Jr. dahil sa umano’y pangakong ayuda sa mga dumadalo.
Follow SMNI News on Rumble