Duterte Senatorial Candidates, sinuyo ang Bicol Region

Duterte Senatorial Candidates, sinuyo ang Bicol Region

MAINIT ang naging pagtanggap ng mga taga Bicol, partikular na sa Legazpi City, Albay para sa mga kandidato ng PDP-Laban, ang grupong pinangungunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula Duterte Road hanggang Tabaco City at pabalik ng Daraga, masayang nakausap, nakadaupang palad, at nakakwentuhan ng Duterte Senatorial Candidates ang mga residente sa bawat paghinto sa mga lugar kahit sa maiksing oras lamang.

Kritikal na maituturing para sa PDP ang Bicol Region na kilala bilang Pink Nation o balwarte ng mga Robredo, ikaapat rin sila sa may pinakamayamang boto sa buong bansa na may 4 milyong botante.

Pero sa mga nangyayari ngayon sa mundo ng politika lalo na sa paglapastangan ng gobyernong ito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na minahal ng tao, ano kaya ang naghihintay na kapalaran para sa mga kandidato nito dito sa rehiyon?

Bukod kina Pastor Apollo C. Quiboloy, Philip Salvador, Atty. Jimmy Bondoc at Atty. Jayvee Hinlo, nakiisa rin sa pamamagitan ng kanilang mga volunteer at tagasuporta ang mga kandidatong sina Senador Christopher “Bong” Go, Ronald “Bato” Dela Rosa, at Atty. Raul Lambino, Cong. Rodante Marcoleta, at dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.

Bitbit ng mga kandidato ang prinisipyo ng pagkakaisa, hustisya, pagkakapantay-pantay ng karapatan at malasakit sa kapwa at sa bansa.

Naniniwala ang buong grupo na higit sa kanilang mga plataporma, ang pagtutulungan at pagkakaisa pa rin ang mahalaga sa kabila ng pagkakaiba iba ng pananampalataya, prinsipyo at partido.

Lalo pa anila isang Pilipinong lider ang kasalukuyang nalilitis sa kamay ng isang dayuhang bansa sa desisyon ng administrasyong Marcos Jr. na abandunahin nalang ng basta-basta ang dating Presidente ng Pilipinas na walang ibang ginawa, inisip at hinangad kundi ang mapabuti lang ang bayan at ang mamamayang Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble