Duterte supporters nagtipon sa Muslim community sa Taguig

Duterte supporters nagtipon sa Muslim community sa Taguig

ISANG pagtitipon ng Duterte supporters ang naganap sa Muslim community sa Brgy. Napindan, Taguig City ngayong Pebrero 28, 2025.

Mensahe ni Oraizah Plarisan, tagapagsalita ng kanilang komunidad para kay Pastor Apollo Quiboloy:

“Ang atin pong mensahe sa kanya ay sana masuportahan namin siya at masuportahan niya din kami sa pamamagitan ng paggawa ng mga Muslim program dito sa community hanggang Mindanao. Alam niya po at alam namin na si Senator Quiboloy ay maraming maibibigay sa amin na kabutihan sa pamamagitan ng pagsamba sa Diyos Allah subhanahu wa ta’ala, na Siya ang makakatulong sa amin.

Dahil alam niya at alam nating lahat na siya ay talagang naglilingkod sa Diyos, sana suportahan natin ang ating senador, suportahan natin ang kanyang administrasyon, at suportahan natin ang grupo ng Duterte. Maraming salamat po,” mensahe ni Oraizah Plarisan, tagapagsalita ng Duterte Supporters.

Follow SMNI NEWS on Twitter