Duterte Youth Party-list dinepensahan ang hiling na ID para sa umano’y EJK victims

Duterte Youth Party-list dinepensahan ang hiling na ID para sa umano’y EJK victims

UMALMA ang ilang abogado sa hiling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC) patungkol sa pagberipika sa mga umano’y biktima ng extrajudicial killings (EJK) sa ilalim ng kampanya kontra ilegal na droga ng nakaraang administrasyon.

Sa hiling ng kampo ng dating Pangulo, dapat national identification card o passport ang hingin ng ICC para tukuyin ang mga umano’y biktima ng EJK.

Ani ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti, anti-poor ang naturang hakbang ng defense team ng dating Pangulo.

Pero ayon kay Duterte Youth Party-list Chairman Ronald Cardema, layon lamang nito na hindi masingitan ng “tanim-biktima” ang proseso ng kaso ng dating Pangulo.

“Ang hinihingi ay any national ID or passport, para hindi masingitan ng ‘tanim-biktima’ ang process nila,” pahayag ni Ronald Cardema, Chairman, Duterte Youth Party-list.

Mahalaga rin ani Cardema na matukoy kung sino ba talaga ang sinasabi ng mga ito na biktima.

“Kayo ang gusto dalhin ang Pangulong Duterte dun. Tapos reklamo kayo sa mga ganitong request na dapat ma-identify talaga kung sino ba talaga (ang) sinasabi n’yong biktima, s’yempre pinaka-simple ma-identify ay thru identification card (ID),” giit ni Cardema.

Hindi rin aniya masasabing anti-poor ang request ng defense team ng dating Pangulo dahil kahit ang pamumudmod ng ayuda ay nangangailangan din ng ID.

“’Yang mga bobo na nagsasabi na anti-poor daw ito dahil walang ID ang mahirap daw kuno, pagbibigay nga ng ayuda sa mahihirap nagre-require ng ID, ‘yan pa kayang international court na kayo ang gustong-gusto pumili,” aniya pa.

Punto pa ni Cardema, sa napakahabang panahon, ang mga makakaliwang grupo lamang ang may ayaw na magkaroon ng identification card (ID).

“For the longest time, ang ayaw lang ng may ID, ay mga radical leftist groups kasi ma-identify sila. Alam na alam ng nag-aabogada sa ICC na si Kristina Conti ‘yan, s’ya kandidato for congresswoman ng Bayan Muna Party-list,” aniya.

Bukod kay Cardema, kinuwestyon din ng medical expert na si Edsel Salvana ang nagsasabing anti-poor umano ang paghingi ng national ID o passport.

Aniya, mismong ang nag-aakusa dapat ang nagpapatunay na may pinatay o ginawang krimen ang inaakusahan.

Kung sigurado rin aniya ang mga nag-aakusa sa dating Pangulo, bakit naghahanap agad ng palusot ang mga ito.

“Did I read that right? Some people are insisting that the lack of positive identification (with a reasonably legitimate ID document) is not an impediment to convicting someone and insisting otherwise is anti-poor? Whatever happened to the presumption of innocence? Isn’t the burden of proving that someone was killed and that someone ordered that killing on the accuser? If they are sure of their cases, why are they already looking for excuses even before the trial starts?” saad ni Edsel Maurice Salvana.

Sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa International Criminal Court, nananatiling sentro ng usapin ang proseso ng pagberipika sa mga umano’y biktima ng kampanya kontra droga. Sa panahong ang bawat detalye ay may bigat sa pandaigdigang hukuman, ang isyu ng pagkakakilanlan ay hindi na simpleng dokumento—kundi mahalagang bahagi ng pag-usad ng hustisya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter