TINANGHAL si Dyson Daniels ng Atlanta Hawks bilang 2025 NBA Most Improved Player.
Sa record hinggil sa kaniyang ambag na puntos ngayong season, inihahalintulad ito sa NBA legends gaya nina Michael Jordan at Magic Johnson.
Si Daniels ang ikalawang manlalaro ng Hawks na nanalo ng nasabing parangal kasunod ni Alan Henderson noong 1998.
Maliban sa pagiging Most Improved Player, naging runner-up din si Daniels sa NBA Defensive Player of the Year matapos magtala ng 229 steals ngayong season.