Eastern Police District may handog pamasko sa daan-daang benepisyaryo

MAMAMAHAGI ng pamasko ang pamunuan ng Eastern Police District sa mga piling benepisyaryo ng Barangayanihan at Pamaskong Handog program ng Philippine National Police (PNP).

Nasa 400 mga benepisyaryo ang nakatakdang tumanggap ng regalo mula sa Eastern Police District.

Sa pangunguna ni EPD Director PBGen. Orlando Yebra Jr., iba’t ibang aguinaldo ang tatanggapin ng mga benepisyaryo.

Bukod sa pamasko, ang patuloy ring paalala ng mga otoridad sa publiko na mag-ingat sa kinakaharap pa rin na COVID-19 pandemic.

Makakaasa aniya ang publiko na patuloy silang magsisikap sa paglalaan ng sapat na mga kawani nito sa ilalim ng kanyang distrito upang matiyak na maprotektahan ang mga komunidad laban sa mga masasamang loob

Bagay na aminado ang opisyal na hindi pa rin nasasawata ang maliliit na mga krimen pero ipinangako nitong ligtas ang buong pamamarisan sa kanilang maigting na pagbabantay.

Magiging bahagi ng kanilang aktibidad ang isa sa mga katuwang ng PNP ang PCSO General Manager Royina Garma sa pamamahagi ng mga pamasko sa mga benepisyaryo.

Sa kabilang banda, ang Barangayanihan ay isang programa ng pamahalaan kaakibat ang mga kapulisan sa pagtitiyak na natutugunan ang pangangailangang seguridad at mga kabuhayan at serbisyo ng pamahalaan sa mga mahihirap na kababayan

Ipinaabot dito ang lokal na oportunidad, pagkakakitaan, lecture at marami pang iba.

SMNI NEWS