EDCA sites, walang naitulong sa panahon ng sakuna—geopolitical analyst

EDCA sites, walang naitulong sa panahon ng sakuna—geopolitical analyst

ANG Pilipinas ay madalas na tinatamaan ng mga bagyo dahil sa ating lokasyon na nakaharap sa Karagatang Pasipiko.

Ito ang lugar kung saan madalas na nangyayari ang matinding pagbabago sa temperatura at presyon ng hangin sa pagitan ng mga karagatan at kontinente.

Kaya hindi na bago para sa ating bansa ang paghahanda para sa mga sakuna kagaya ng bagyo at tungkulin ng gobyerno na ilatag sa mamamayan ang kanilang plano at para maiwasan o maibsan ang maaaring epekto nito sa mga Pilipino.

At isa nga sa nakitang mabisang paraan ng Marcos administration upang makatulong sa disaster preparedness ay ang pagpasok ng mga base militar ng mga Amerikano.

Matatandaan na pinapasok at suportado ni Bongbong Marcos Jr. ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) para umano palakasin ang pagtugon ng Pilipinas sa mga sakuna.

Ngunit imbes na mga pangunahing kagamitan para sa pagresponde sa mga kalamidad ang ilatag ay mga tangke, missile at mga pagsasanay para sa giyera ang ibinida ng mga Amerikano – bagay na ipinagkibit-balikat lang ng mga nasa gobyerno.

Nito lang kamakailan ay dumaan ang Bagyong Carina sa bansa at dito nasubukan ang pinagmamayabang ng gobyerno na EDCA sites.

Pero nakaalis na lang ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay ni hindi man lang naramdaman ang presensiya ng mga Kano.

Nitong Lunes, Hulyo 29, 2024, nagtipon-tipon ang iba’t ibang sektor ng lipunan na ayaw ng giyera upang kuwestyunin ang EDCA site ni Marcos at Amerika.

Para sa geopolitical analyst na si Herman “Ka Mentong” Laurel, masyado nang halata na masyadong maraming propaganda para sa EDCA site,

“Nahalata naman po natin na maraming propaganda para sa base militar ng Estados Unidos, wala namang katotohanan na makakatulong daw sa ating bansa sa kalamidad,” ayon kay Herman “Ka Mentong” Laurel, Geoplitical Analyst.

Aniya, kung sino pa ang itinuturing nilang kaaway ay ‘yon pa ang unang nakitang tumulong sa mga nasalanta.

 “Sino ang unang tumugon? ‘Yong sinasabi nilang kalaban ng Pilipinas, ang China, si Ambassador Huang umiikot sa Metro Manila at nasaan ang Estados Unidos? Nasaan ang EDCA bases na ‘yan? Nasaan ang mga truck ng relief goods ng Amerikano? Wala po tayong nakikita. So, magising na sana ang lahat sa pangloloko ng mga Amerikano na ito,” ani Ka Mentong.

Para sa dating intel officer ng CPP-NPA-NDF na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, kabastusan at pagtataksil sa bayan ang ginawa ni Marcos.

“Tama, hindi lang kabastusan kundi pagtataksil. Malinaw na pagtataksil ng gobyerno ni Marcos na palaganapin ang mga base militar ng Amerika sa loob ng kampo militar sa Pilipinas without passing through consultative public opinion and approval of Senate. Ito circumvention ng Constitution at malinaw na ito ay paglabag na hindi dapat pinababayaan ng mamamayan, pagtataksil ‘yan sa soberanya at integridad ng ating bansa,” ani Ka Eric.

Para sa kaniya, malinaw na ang biglang pagkambyo ni Marcos Jr. sa kaniyang foreign policy ay para lang sa kanilang sariling interes at ginamit lang nito ang mga Duterte upang makuha ang kanilang gusto.

“Malinaw they want to recover more than $380-M ng mga ill-gotten wealth na na-frozen sa America and real property states nila sa New York by the hundreds of millions din ito at ito ay nagpapakita ng kaniyang bait-baitan at gimick ng pangangampanya using the Duterte at ang tema ng Unity at Continuity was about themselves only,” giit ni Celiz.

Sinabi naman ng dating NTF-ELCAC official na si Dr. Lorraine Badoy na ang kasalukuyang gobyerno ay tuta na ng Amerika.

“Napakaganda na nakita ng mga Pilipino ang kasinungalingan ng gobyernong ito sa kanila at tsaka mga tuta ng Kano ang mga nakaupo ngayon,” ayon kay Dr. Lorraine Badoy, Former Spokesperson, NTF-ELCAC.

Binigyang-diin pa nito na kalokohan lang ang EDCA sites.

“Ang kalikasan na mismo ang nagtanggal ng mga maskara nila. Nasaan ang Amerika may kita ba kayo, wala di ba? So, kalokohan ang mga sinasabi nila,” giit pa nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble