Engkuwentro ng militar at NPA sa Rizal tumagal ng 2 araw; Mga armas nakumpiska

Engkuwentro ng militar at NPA sa Rizal tumagal ng 2 araw; Mga armas nakumpiska

NAGING matagumpay ang 80th Infantry Division ng Philippine Army sa kanilang ginawang operasyon laban sa mga natitirang myembro ng komunistang teroristang grupong New People’s Army (NPA).

Naganap ang naturang engkuwentro sa pagitan ng militar at ng rebeldeng grupo sa San Ysidro, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal na tumagal ng dalawang araw.

Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng iba’t ibang armas mula sa nasabing grupo.

Ayon kay Lieutenant Colonel Mark Antony U Ruby, pinuno ng 80IB, ang tropa ng mga sundalo ay nagsagawa ng mga operasyon na naglalayong sugpuin ang mga NPA na nagpapakalat ng karahasan at ilegal na aktibidad sa mga nasabing lugar.

Wala namang iniulat na sugatan o nasawi sa hanay ng mga kasundaluhan, at patuloy ang pagsasagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga apektadong komunidad.

Nanawagan naman ang 80IB sa mga miyembro ng NPA na magbalik-loob at sumuko sa pamahalaan upang makamtan ang tunay na kapayapaan at mas ligtas na kinabukasan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble