NAGSALITA na si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile hinggil sa pag-demote kay Cong. Gloria-Arroyo at ang pagkalas ni Vice President Sara Duterte sa partidong Lakas-CMD.
Sa kaniyang programang Dito sa Bayan ni Juan sa SMNI News noong Sabado, Mayo 22, nagbigay ng kaniyang pananaw si Sec. Enrile hinggil sa napabalitang kudeta sa liderato ng Kamara.
Nitong nakalipas na linggo ay naganap ang pagkaka-demote kay Dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Cong. Gloria Macapagal Arroyo mula sa pagiging senior deputy speaker, ngayon ay deputy speaker na lang.
Sinundan din ito ng pagtiwalag ni VP Sara Duterte sa partidong Lakas CMD kung saan si CGMA ang chairman emeritus dito habang presidente naman si House Speaker Martin Romualdez Jr.
Ayon kay Enrile, madaling sabihin ang kudeta pero mahirap gawin.
Mariin naman pinabulaanan ni CGMA ang kumakalat na balitang magkakaroon ng kudeta sa Kamara.
Samantala inihayag naman ni Enrile na posibleng iniintriga ngayon ang pangulo at ang bise presidente.