NASAMPAHAN ang isang Ukrainian man ng kasong computer fraud dahil sa umano’y pag-infect nito ng milyun-milyong computer na may malware sa isang cybercrime operation na tinatawag na “Racoon Infostealer” ayon sa US Justice Department.
Kinilala ang Ukrainian man na si Mark Sokolovsky ay kasalukuyang nasa Netherlands at ninanais ng Estados Unidos ang extradition nito ayon sa departamento.
Ayon sa ulat, pinaupahan ang Racoon Infostealer sa mga cybercriminals sa halagang 200 dollars kada buwan at binabayaran ito sa pamamagitan ng cryptocurrency.
Pagkatapos nito ay ilalagay ang malware sa mga computer ng mga biktima at ginagamit upang nakawin ang mga personal na impormasyon gaya ng log-in credentials at financial information.
Sinabi rin ng justice department na napag-alaman ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na nasa higit 50 milyong unique credentials at forms of identification gaya ng email address at credit card numbers ang nanakaw na datos mula sa milyun-milyong biktima nito sa buong mundo.