BABALIK na sa susunod na taon ang European operations ng Pakistan International Airlines.
Kasunod ito sa approval na inilabas ng European Union Aviation Safety Agency kamakailan.
Taong 2020 nang ipinahinto ng EU ang operasyon na ito ng Pakistan dahil sa pagkasawi ng 97 na pasahero at crew members nang mag-crash sa Sindh province, India ang isang eroplano nila.
Sa imbestigasyon pa, napag-alaman na karamihan sa Pakistani pilots ay nandaya sa kanilang exams.